_pang-masa
^

Punto Mo

Lalaki sa Australia, pinagdugtong-dugtong ang bedsheets para makatakas sa quarantine

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Perth, Australia ang nakatakas sa kanyang sapilitang pagkaka-quarantine sa isang hotel sa pamamagitan ng pagdudugtong-dugtong ng bedsheets   na ginamit niya upang makakababa mula sa ika-apat na palapag ng gusali.

Dumating ang lalaki mula sa Brisbane ngunit hindi siya pinayagan ng mga awtoridad na makapasok ng Perth dahil sa mahigpit na border controls na ipinapatupad sa lugar upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Inutusan ang lalaki na pansamantalang mag-quarantine sa isang hotel bago siya bumalik ng Brisbane ngunit noong madaling araw na ay tumakas din ito mula sa kanyang silid.

Walong oras matapos siyang makatakas, naaresto rin ang lalaki.

Hindi na isiniwalat ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng lalaki, bukod sa pagiging 39-anyos nito at pagiging negative para sa virus.

Isa ang Australia sa mga may pinakakaunting kaso ng coronavirus sa buong mundo dahil sa mahigpit nitong border controls.

May mandatory hotel quarantine hindi lamang para sa lahat ng papasok sa bansa kundi pati na rin sa lahat nang tatawid ng state borders.

AUSTRALIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with