^

Punto Mo

MPD, pinuri ni Domagoso sa laban vs krimen at droga!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SA Maynila, zero tolerance against crime ang pinaiiral ng Manila Police District (MPD) subalit iginigiit ni Mayor Francisco Domagoso na hindi siya pabor sa operation na mauuwi sa “patayan.” Ang kriminal sa Maynila ay inaaresto, inihabla, ikinukulong at hindi ‘yung “libing’ agad, aniya.

Ayon kay Domagoso, ang mga mahihirap ay pagsusumikapang tulungan ng City Hall subalit ang mga masama at name­merhuwisyo sa kapwa ay tinutugis. Ipinaliwanag ni Domagoso na hindi puwede ang “firearm ready kind of justice” ang ipaiiral laban sa kriminalidad at hinikayat niya ang MPD sa liderato ni Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na obserbahang maigi ang tinatawag na rule of law.

“We must be certain about our rules. And the rules should be applicable to everyone. Sa mga hinahabol at humahabol ginagalang ang mga mata ng batas para sa lahat,” ani Domagoso sa kanyang State of the City Address. Pinuri ni Domagoso ang liderato ni Francisco habang pinayuhan niya ang MPD na hindi puwedeng ipairal lang ang “patayan” dahil pagnagkataon “sabit ka na sa batas, sabit ka pa sa mata ng Diyos.” Dipugaaaaaa! May punto si Domagoso dito ah, di ba mga kosa?

Natuwa si Domagoso at may 173 wanted persons ang inaresto ng MPD noong nakaraang taon at nilampasan ito ni Francisco sa ilang buwan lang ng 2021 sa paghuli ng 261 kriminal. “Come 2021, habang busy tayo na harapin, tulungan ang ating mga kababayan (dahil sa COVID) pinapanatili natin ang kapatanagan ng lungsod ng Maynila sapagkat hindi natin pinapabayaan ang mga tolongges na gahasain ang kahinaan ng sitwasyon and to take the opportunity kaya hinabol natin sila,” ani Domagoso.

Nagbanta si Domagoso na kapag ang krimen ay ginawa sa Maynila, “magtago na kayo sa lelang n’yong panot. Hahabulin kayo ng MPD” saang sulok man ng Pinas. Dipugaaaaaa! Iwas-iwas lang mga kosa?

Siyempre, natuwa rin si Domagoso at ang MPD kasama ang PDEA at iba pang sangay ng PNP ay nakakumpiska ng 46 kilos ng shabu kamakailan lang. Kung hindi naagapan ito, maaring lumaganap ang droga sa kalye ng Maynila at iba pang parte ng bansa, at masisira tiyak ang kinabukasan nang maraming kabataan.

“Makikita rin ninyo the war on drugs continue to be active in the city of Manila but rule of law are being observed and I’m proud of the MPD dahil hindi makati ang daliri nila sa gatilyo,” ayon pa kay Domagoso. “Buhay na nakakalawit ang mga tolonges na ito.”

Pinasalamatan din ni Yorme ang national government, PDEA at ang liderato ng PNP dahil sa tulong nila patuloy ang pagbaba ng krimen sa Maynila. “We continue to address that illegal substance without any shenanigans, straight forward, tanggalin ang droga sa kalsada, wag gawing available ito sa tao, pahirapan...pahirapan...pahirapan sila o kaya puksain...puksain...puksain ang mga drug lord at drug pushers,” ang dagdag pa ni Domagoso. Mismoooooo! Dipugaaaaaaa!

Ang importante pa, ang nakuhang droga ay hindi nawawala at pati ang may hawak nito ay inaaresto, ani Domagoso. Dipugaaaaaaa! Abangan!

 

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with