_pang-masa
^

Punto Mo

Isandaang Bibliya

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

DALAWANG Amerikano mula sa World Relief ang naatasang magdeliber ng mga kopya ng Bibliya sa isang lugar sa Saudi Arabia. Ang World Relief  na nakabase sa Baltimore, Maryland ay isang international Non-Government Organization na nagbibigay ng tulong sa mga bansang biktima ng kahirapan, giyera, sakuna at hindi makataong pagtrato. Sinusuportahan sila ng Simbahan, foundations, US government at mga mapagka-wanggawang indibidwal.

Buong ingat nilang itinago sa sasakyan ang mga kopya ng Bibliya upang hindi ito makita ng mga Arabong pulis kapag tsinek ang loob ng kanilang sasakyan. Medyo may kalayuan ang pagdadalhan ng Bibliya at hindi gaanong kabisado ng drayber ang lugar. Umaasa lang sila sa mapang bitbit nila. Bago umalis ay nagdasal muna ang dalawang Amerikano na gabayan sila ng Diyos sa kanilang paglalakbay. Naisipan ng isang Amerikano na magdala ng isandaang ekstrang kopya ng Bibliya.

Ngunit pagsapit nila sa junction road, nalito na ang dalawa kung kakaliwa ba sila o kakanan. Saglit silang huminto upang magtanong sa isang lalaking nakaupo sa tapat ng isang malaking building. Wala silang choice dahil siya lang ang taong naroon. Nag-aalala sila na baka ang la-laking ito ay secret police na nanghuhuli ng mga Christians na lihim na nag-oorganisa ng Bible study at prayer meeting. Pero bahala na. Kailangang makarating ang mga Bibliya sa mga taong humiling nito. Binuksan ng dalawang Amerikano ang bintana, mukhang Asian ang lalaki. Bago pa nila maibuka ang kanilang bibig ay naunang nagsalita ang lalaki.

“May dala kayong Bibliya?”

“Wala. Magtatanong lang kami kung sa pakaliwa o pakanan ang village na ito,” sabay pakita ang mapang hindi naman pala kumpleto ang drowing.

Nagsalita ulit ang lalaki.

“Nagdasal ako na sana ay may magdeliber sa akin ng mga Bibliya. Kagabi ay napa­naginipan kong kinausap ako ng Diyos at sinabing tumayo lang daw ako dito sa ganitong oras at may sasakyang magdedeliber sa akin ng kailangan kong Bibliya. Ipamimigay ko iyon sa aking congregation. Nararamdaman kong kayo ang magdadala ng Bibliya. Mga isandaang kopya ang kailangan ko.”

Pagkaraang ibigay ang 100 kopya ng Bibliya ay binigyan sila ng pera ng lalaki bilang donasyon sa World Relief. Pagkatapos ay binigyan sila ng lalaki ng kumpletong instruction kung paano makarating sa village na hinahanap nila. Tinuruan pa ang dalawang Amerikano  kung saan dadaan upang makaiwas sa mga secret police.

“Your word, O, Lord, is eternal; it stands firm in heaven.” – Psalm 119:89  

SAUDI ARABIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with