^

Punto Mo

20% kaltas sa lotto winnings, napupunta sa BIR – Garma

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

UMABOT sa P2.7 bilyon ang ibinayad na tax ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong unang tatlong buwan ng 2021. Kapag nakontrol na ang pandemya, malaki ang paniwala ni PCSO General Manager Royina Garma na malalampasan nila ang tax payment nila sa BIR na P4.6 bilyon noong nakaraang taon.

Kung sabagay, halos mahabang panahon na isinara ang Pinas noong 2020 bunga sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 kaya ipinatupad ni President Digong ang malawakang lockdown sa bansa. Ipinagbawal ang paglabas ng bahay at dahil walang online betting platform ang PCSO, walang tumataya sa kanilang gaming products.

Subalit, nang humupa na ang virus sa bansa, pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na lumabas at magtrabaho ang mga Pinoy para makabawi ang ekonomiya ng bansa, at natural lang na dumami din ang tumaya sa lotto at iba pang gaming products ng PCSO. Dipugaaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya kapag matutuldukan na ng IATF ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa, tataas lalo ang babayarang tax ng PCSO sa BIR dahil darami pa lalo ang tataya sa lotto. Mismooooo! Sinabi ni Garma na ang PCSO ay complying faithfully sa bayarin nilang tax, maging sa mandatory contributions nila sa partner government institutions. Dipugaaaaaaa!

Sinabi ni Garma na kasama sa tax na ibinayad sa BIR ay ang 20% na kinakaltas sa milyones na napapanalunan sa lotto draw. Nitong 1st quarter, umabot sa P142,923,278 ang 20% tax na iginawad sa mga bagong milyonaryong Pinoy. Ang prize fund tax naman sa tatlong buwan nitong taon na napunta sa BIR ay umabot sa P199,144,021.

Hayan mga kosa, malinaw pa sa sikat ng araw kung saan napupunta ang kinakaltas ng PCSO na tax sa mga premyo sa kanilang gaming products ha? Sa totoo lang, ang buwenas n’yo ay nakikinabang din ang gobyerno ni President Digong. Kaya hindi dapat pinag-isipan ng hindi maganda ang PCSO pagdating sa 20 percent at 5 percent na kinakaltas sa mga premyo dahil nasa wastong kamay napupunta ang pitsa. Ano sa tingin mo kosang Jojo Ventura?

Ayon naman kay Arnel Casas, PCSO’s assistant general manager for finance, nagbayad din sila sa BIR ng documentary tax, corporate income tax, expanded value added tax (EVAT) at iba pang tax. Dipugaaaaaa!

Kung sabagay, hindi rin nakalimot ang PCSO para tulungan ang mga mahihirap sa pagpagamot ng kanilang sakit bilang bahagi ng kanilang charity programs. Halos daang milyones ang pinopondo ng PCSO para sa charity projects nito na ang nakikinabang ay ang mga maysakit na Pinoy na lumalapit sa Malasakit Centers.

Sinabi ni Garma na magbubukas pa sila ng iba’t-ibang palaro nitong darating na mga araw para lalong lumaki ang kita ng PCSO dahil sa susunod na taon halos 50 porsiyento sa kikitain nila ay mapupunta sa Universal Health Care na proyekto ni President Digong.

Kaya nanawagan sa mga Pinoy si Garma na tangkilikin ang gaming products ng PCSO at hindi ‘yaong mga ilegal na sugal na walang pakinabang at niloloko lang ang mananaya nila. Dipugaaaaaaa! Abangan!

vuukle comment

BIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with