^

Punto Mo

Paslit man nabagot din sa pandemya!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bagama’t may nakaamba pa ring panganib ng COVID, malaking bagay  para sa mental at pyshical health ng mga bata ang pagpayag na makalabas na sila ng bahay sa nasa general community quarantine (GCQ ) at modified general community quarantine (MGCQ) areas.

Aba’y  isang araw matapos na ihayag ng pamahalaan na pinapayagan na ng IATF na makalabas ng bahay ang batang  5-anyos pataas, mistulang nagpiyesta kinabukasan ang mga paslit kung saan makikita mong sabik na naglaro sa labas ng kanilang bahay sa iba’t ibang lugar partikular sa Metro Manila.

Kung ang mga nakakatanda, nakaramdam nang labis na pagkabagot sa mahigit nang isang taong pandemya at quarantine,  paano nga naman ang mga bata, na sanay sa labas at aktibong mga pagkilos.

Marahil eh na miss na rin ng mga kabataan ang face-to-face classes na lubhang naapektuhan ng pandemya at maging ang kanila ngang pag-aaral eh napako sa loob na lamang ng tahanan.  

Ang totoo, hindi nga lang nabibigyan nang kaukulang pansin, marami na ring mga bata ang dahil sa pagkabagot eh naapektuhan ang pag-uugali o behavior na sinasabing  posibleng dahil sa limitado nilang paggalaw o space dulot ng pandemya lalo’t mundo nila ang paglalaro.

Pero dapat din marahil na mabalanse ang lahat, oo nga’t gusto natin na matulungang mapaunlad ang kanilang mental at physical health, pero dapat ding mabantayan sila nang maigi para naman di mahawa sa lumalaganap pang COVID-19.

Dapat ang mga magulang ang manguna kung paano nila isasagawa na mapoprotektahan ang kanilang mga anak sa virus sa kanilang paglabas ng bahay. Mahirap na rin kasi na may pagsisihan sa huli.

Marahil dapat na ring mapag-aralang maigi ang pagtuturok na ng bakuna sa mga paslit para maging sila man ay mabigyan ng proteksyon sa virus.

Malamang na maglabas naman ng guidelines ang LGUs sa Metro Manila kung paano ito ipapatupad o kung pabor sila sa age restriction na 5-anyos pataas na papayagang lumabas.  Ito ang aantabayan nang inyong Responde.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with