_pang-masa
^

Punto Mo

Babae sa Taiwan, natuklasan na may nakabaon na chopstick sa mukha!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INIULAT kamakailan sa The Journal of Emergency Medicine ng isang Taiwa-nese doctor ang kakaibang kaso ng isa niyang pasyente na walang kaalam-alam na may nakabaon na chopstick sa kanyang mukha sa loob ng isang linggo!

Ayon sa isang local news agency sa Taipei, isinugod ang hindi pinangalanang 29-anyos na babae sa isang hospital emergency room matapos makipag-away sa kanyang kapatid.

Nagtamo ng dalawang minor laceration ang babae sa ilong at sa ilalim ng kanyang kaliwang mata. Sumailalim sa X-ray ang babae at walang nakitang kakaiba sa kanyang injury kaya pinauwi agad ito.

Isang linggo matapos ang insidente, naisipan ng babae na bumalik sa ospital dahil hindi niya makita ang chopsticks na ginamit na pang-atake sa kanya ng kapatid at unti-unti na rin umano siyang nakadarama ng pananakit sa ilong.

Matapos ipa-CT scan ang babae, nakita na may dala­wang piraso ng nabaling chopsticks  sa kanyang nasal septum.

Agad siyang sumailalim sa surgery at nakuha ang dalawang piraso ng nabaling chopsticks na may sukat na 1.4 inches at 2 inches.

Walang komplikasyon na natamo ang babae sa kanyang operasyon at sa kasalukuyan ay nasa mabuti siyang ka-lagayan.

 

TAIWAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with