^

Punto Mo

Bakuna ‘wag nang iugnay sa isyu ng pulitika!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mahigit sa tatlong milyong Pinoy ang fully vaccinated na laban sa COVID.

Inaasahang tataas pa ang ang naturang bilang sa mga susunod na araw sa pagpapatuloy pa ng isinasagawang vaccination program ng pamahalaan.

Inaasahan na rin ang pagdating pa ng milyong bakuna para muling masimulan ang pagtuturok ng 1st dose sa marami nating kababayan na naghihintay.

Tiwala rin ang pamahalaan na bago matapos ang taon ay mababakunahan na ang may 70 milyon Pinoy para matamo ang  population protection.

Sana nga ay huwag maputol ang momentum sa bakunahan, lalo na nga’t marami na ang naghahangad ngayon ng bakuna at sa supply na nagkakaroon ng problema.

Ngayon mukhang ibang problema sa bakuna ang nasusumpungan.

Mainit ang bangayan ngayon ni dating Health Sec. at Rep. Janette Garin at Vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Inaakusahan ni Garin si Galvez na may favoritism sa distribusyon ng bakuna na itinanggi naman ng huli.

Sa gitna kasi ng vaccination program, parang mabigat na magamit pa ang bakuna sa isyu ng pulitika.

Mas lalo na marahil na magamit ang  bakuna sa iisyu sa nalalapit na halalan.

Dapat sigurong tapusin na ang nasimulan sa bakuna para lahat eh umusad na, saka na lang magbangayan pagtapos na ang pandemya.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with