_pang-masa
^

Punto Mo

Think twice…

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG gutom na fox ang nakapasok sa malawak na farm. Ang una niyang namataan ay ang matabang manok. Sinakmal niya agad ito sa leeg at tumakbo palabas ng farm.

Agad namang nakita ng magsasaka ang nangyari kaya hinabol niya ang fox kasama ang mga asong nagguguwardiya sa farm.

“Habulin n’yo ang fox at bawiin ang manok! Haboool!” sigaw ng magsasaka sa kanyang mga aso.

Hindi gaanong nakabaon ang ngipin ng fox sa leeg ng manok dahil makapal ang balahibo nito. Kaya nakuha pang magsalita ng manok sa fox habang tumatakbo ito.

“Huwag mo ako ibibigay sa aking amo. Malupit siya. Ayoko na sa kanya. Sa iyo na lang ako” wika ng manok.

Napangisi ang fox.

Sa loob-loob nito, “Tingnan mo nga naman, ang manok na ito ang mismong nagpapaampon sa akin.”

Nagsalita ulit ang manok, “Sige na sabihin mo sa amo ko na ayaw ko na sa kanya para huwag na niya tayong habulin.”

Napahalakhak ang fox sabay sigaw sa farmer ng…

“Ha ha ha! Huwag na kayong humabol, ayaw na sa iyo ng manok mong alaga!”

Pagbuka ng bibig ng fox ay kaagad nakawala ang manok. Dali-dali itong nagtatakbo at lumipad sa itaas ng puno.

Nabigla ang fox sa bilis ng pangyayari kaya’t bumagal ang kanyang takbo at naabutan siya ng aso. Nakagat siya sa puwet pero mabilis rin nakatakas at nakalabas ng farm. Ang manok ay ibinaba mula sa puno ng kanyang amo. Ngingisi-ngisi ang manok at nautakan niya ang fox. Ang fox naman ay nanghihinayang sa kanya sanang hapunan. Grasya na sana, naging bato pa, nakagat pa siya sa puwet ng aso.

Moral: Think twice before you open your mouth.

FARM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with