^

Punto Mo

Partisan politics, pinaiiwasan sa mga pulis

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto ha, may babala na si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar­ sa kanyang mga tauhan na iwasang makisangkot sa partisan politics.

Posibleng pagkasibak sa serbisyo ang kakaharapin ng mga pulis kung mapapatunayang sangkot sa  partisan politics.

Nanindigan ang PNP na wala umanong puwang ang pulitika sa mga pulis sa partisan politics, kundi ang dapat mangi­babaw ay pagseserbisyo sa taumbayan at hindi sa iilang pulitiko. 

Kung gusto nga namang makisangkot ng mga pulis sa puli­tika, mas makabubuti umano na mag-resign sila sa serbisyo kung nais nilang tumakbo o sumuporta sa kanilang kandidato.

Nag-ugat ang ganitong pahayag ng PNP chief matapos namang sibakin ng Napolcom  ang anim na pulis sa Negros Oriental na napatunayang sangkot sa illegal search at seizure  sa bahay ng isang bise alklade doon noong 2017.

Lumalabas na harassment ang nangyari, matapos na magpahayag ang bise alkalde sa pagtakbong mayor kalaban ng incumbent mayor noon. 

Eto pa, bukod sa pagkasibak sa serbisyo, posibleng matanggalan ng benepisyo at retirement ang pulis na masasangkot sa  partisan politics.

Madalas kasi na kapag nalalapit na ang halalan may ilang mga pulitiko ang mistulang ginagamit ang kapulisan na kanilang private army.

Lalo na nga’t sila ang nakaupong nanunungkulan, parang nabili na nila ang mga pulis sa kanilang nasasakupan.

Hindi lang yan may ilang abusadong politiko na mistula ring ginagamit na utusan ang mga pulis, na dapat naman alam din ng kapulisan kung hanggang saan sila kailangang sumunod at hindi sa isang politician.

 

 

 

 

vuukle comment

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with