^

Punto Mo

Apela pa ng mga nakakatanda!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sunud-sunod ang dating ng mga bakuna.

Kahapon dumating na rin ang nasa 400K na Sinovac vaccine na inorder ng lungsod ng Maynila.

Kauna-unahan ito sa bansa, malamang susunod na rin dito ang mga binili rin ng ibang LGUs.

Kitang-kita na rin ang kumpiyansa nang publiko sa bakuna, katunayan nito ang mahabang pila sa mga vaccination site sa ibat-ibang lugar.

Gayunman,kapansin-pansin pa rin daw ang mababang bilang ng mga senior na nagpapabakuna,

Maliit na porsiyento pa lang ng mga nakakatanda, ang natuturukan.

Nasa walong milyong mga senior citizen  ang dapat na maturukan.

Malamang na hindi takot sa bakuna ang mga ito, ang ikinatatakot nga raw ng mga nakakatanda eh mahawaan ng COVID  sa kanilang pagtungo at pagpila sa mga vaccination center.

Kahit pa umano sabihing may sariling lane ang mga senior sa vaccination center, ang pagtungo dito ang kanilang malaking kalbaryo.

Siyempre, pano nga naman sila tutungo sa mga site kung wala silang sasakyan, kung magko-commute naman lantad sila sa panganib ng virus.

Ang iba hirap na ring maglakad, pano na yung walang magiging kasama.

Hiling nila, ito sana ang matutukan ng mga LGUs, kung paano mailalapit sa kanila ang bakuna.

Hindi nga ba’t igiit mismo ng DOH ang house-to-house vaccination hindi lamang sa mga bedridden sana sa lahat ng senior.

Sana nga ay gawing madali para sa mga nakakatanda na makatanggap na rin sila ng bakuna, sana ito na ang mailapit sa kanila.

vuukle comment

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with