^

Punto Mo

Construction company sa China, nakapagpatayo ng 10-palapag na apartment sa loob ng 29 na oras!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPINAKITA sa Mainland Chinese media kamakailan ng isang construction company sa China na Broad Group ang pinakabago nilang modular building system na “Living Building” kung saan nakapagtayo sila ng 10-storey apartment building sa Changsha City sa loob lamang ng 29 na oras.

Ang konsepto ng “Living Building” ay maihahalintulad sa pagbuo ng isang kotse na kung saan ang mga bahagi ng gusali, na tinawag nilang “modular components” ay ginagawa sa isang state-of-the-art factory at ita-transport sa construction site kung saan itatayo ang building.

Ang modular components ay maaaring itupi at isilid sa isang 40 feet shipping container na puwedeng i-transport sa dagat o lupa.

Ang stainless steel structure nito ay 10 beses na mas magaan at 100 beses na matibay kumpara sa mga traditional na gusali.

Kakayanin din nito ang mga mega earthquakes at super typhoons.

Ayon sa Broad Group, tinawag nila itong Living Building dahil sa versatility nito. Maaari itong gamitin bilang residential structure at maging office skyscraper na kayang umabot ng 200 floors.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with