Kakaibang Eba (112)
KINABUKASAN, alas singko ng umaga ay naghanda na sina Piolo at Manong Berto para magtungo sa Laguna na kinaroroonan ni Mariz.
Nagpaalam si Piolo sa kanyang mama.
‘‘’Ma aalis na kami. Medyo malayo ang pupuntahan namin ni Manong Berto. Pupuntahan namin si Mariz. At pangako ko, dadalhin ko siya sa inyo kung mapapatawad niya ako.’’
‘‘Talaga Piolo?’’
‘‘Opo. May kasalanan ako sa nangyari. Kaila-ngan talaga magkausap kami.’’
“Malayo ba ang kanila?’’
‘‘Opo. Nasa isang bara-ngay ayon sa kanyang pamangkin.’’
‘‘Mag-ingat kayo. At sana nga magkaayos na kayo ni Mariz.’’
Humalik si Piolo sa kanyang mama.
Habang nasa sasakyan ay nag-iisip si Piolo ng mga sasabihin kay Mariz. Ipaaa-lam niya rito ang mga kababalaghang nangyari. Sasabihin niya na napaglaruan siya ng engkanto. Ipaliliwanag niya kung paano ito nakita na may kasamang lalaki sa Ayala Avenue.
‘‘Manong Berto baka kailangan ko ang suporta mo ukol sa engkanto para maunawaan ni Mariz ang lahat.’’
‘‘No problem, Piolo. Nasa likod mo ako.’’
Mahigit tatlong oras bago narating nina Piolo ang Bgy. Alibungbong. Hindi naman pala liblib. Maganda ang lugar. Malamig ang klima dahil mataas ang lugar.
Ipinagtanong nila ang bahay nina Mariz. Itinuro sa kanila. Malapi sa simbahan.
Isang bunggalow ang bahay.
Kinabahan si Piolo. Nag-isip muna bago tumawag.
“Tao po! Tao po!’’
(Itutuloy)
- Latest