_pang-masa
^

Bilangguan sa Australia, sinalakay ng mga daga; daang inmates, inilikas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

DAAN-DAANG inmates ang kinailangang i-evacuate mula sa isang bilangguan sa New South Wales, Australia matapos sumalakay ang laksa-laksang mga daga na ngumatngat sa mga kagamitan ng kulungan.

Nginatngat ng mga daga ang kisame at ang mga wiring sa Wellington Correctional Center, dahilan upang magpasya ang pamunuan na ilikas na ang inmates.

Nasa 420 na mga preso at 200 staff ng nasabing correctional ang nakatakdang lumipat bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Ilang buwan nang nanalasa ang mga daga sa silangang rehiyon ng Australia, na nagdulot ng pagkasira ng mga pananim at malawakang perwisyo sa mga naninirahan doon.

Umaatake ang laksa-laksang mga daga sa Australia bawat 10 taon at ang kasalukuyang pag-atake ay sinasabing dulot ng masaganang ani noong nakaraang taon.

 

AUSTRALIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with