^

Punto Mo

EDITORYAL - Lansagin, private armed groups

Pang-masa
EDITORYAL - Lansagin, private armed groups

LIMANG buwan na lamang at umpisa na ng filing ng candidacy ng mga tatakbo sa May 9, 2022 elections. Marami na ang naghahanda para sa kampanya. Magiging kakaiba ang pamamaraan ng pangangampanya ngayon sapagkat nasa panahon ng pandemya. Tiyak na maraming pagbabago para maipatupad ang health protocols.

Tiyak naman na naghahanda na rin ngayon ang mga private armed groups (PAGs) na labis na nama­mayagpag kapag sumasapit ang eleksiyon. Ang pana­natili ng PAGs ang dahilan kaya walang tigil ang kaguluhan sa bansa, partikular na sa Mindanao na tinatayang may 12 grupo na nag-ooperate. Ngayong papalapit na ang election, naghahatid ng pangamba ang ‘di-mapigilang pamamayagpag ng pribadong armadong grupo.

Babaha ang armas dahil sa PAGs. Buhay na buhay ang gunrunning activities. Katibayan na dumadagsa ang armas ay ang mga nakumpiskang matataas na calibre ng baril sa napatay na dating mayor ng Talitay, Maguindanao na si Montazir Sabal. Nahuli si Sabal habang nasa RORO sa Batangas City patu­ngong Cebu. Nang inspeksiyunin ang kanyang sasakyan, natambad ang maraming baril at bala. Nang dina­dala na sa Camp Crame si Sabal, nang-agaw ito ng baril hanggang mapatay ng isa sa mga escort. Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, ang mga baril ay binebenta ni Sabal sa teroristang BIFF. Malaki ang paniwala ni Eleazar na gagamitin din umano ang mga baril sa nalalapit na election.

Ayon sa National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) walong private armed groups na nag-ooperate sa Maguindanao at General Santos City ang kanilang nabuwag sa unang tatlong buwan ng 2021. Ang mga nabuwag na private armed groups ay ang Datu Tha Sinsuat, Ibay, Pananggalan, Dingalen, Matalam, Abo at Mamasabulod sa Maguindanao, at ang Mudia Group sa General Santos City. Ayon kay Police Lt. General Jose Chiquito Malayo, commander ng Task Force Western Mindanao-NTF-DPAGs, ang pag-unti ng private armed groups ay resulta nang masidhing pagsisikap ng pamahalaan para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.

Huwag nang hayaang mabuo pa uli ang PAGs. Huwag hayaang sumilip ang kaguluhan dahil sa mga pribadong grupo na ito. Lansagin ang PAGs.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with