^

Punto Mo

Kakaibang Eba (111)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘MANG Piolo, huwag mo rin pong sasabihin na ako ang nagturo ng kanyang kinaroroonan. Magagalit po siya sa akin dahil nangako ako sa kanya na walang pagsasabihan,’’ sabi ni Bianca na seryosong-seryoso sa pagsasalita.

“Hindi ko sasabihin, Bianca. Promise. Pero may gusto lang akong linawin sa iyo ukol kay Mariz. Maa­aring may nalalaman ka rito.’’

“Ano po ‘yun?’’

“May iba pang boyfriend si Mariz?’’

“Naku wala po!’’

‘‘Alam mo kasi kaya ako tinabangan sa kanya ay dahil nakita ko siyang may kasamang lalaki sa Ayala Avenue. Dalawang beses ko siyang nakita.’’

“Hindi po magagawa ni Ate Mariz ‘yan Mang Piolo. Hindi po niya magagawang magboyfriend ng iba dahil...’’

‘‘Dahil ano, Bianca?’’

‘‘Iisa lang po ang lalaki para sa kanya.’’

‘‘Sino Bianca?’’

‘‘Ikaw po Mang Piolo.’’

Hindi makapagsalita si Piolo.

Nang magsalita siya ay may garalgal ang boses.

‘‘Totoo ba ang sinasabi mo Bianca?’’

“Totoo po. Narinig ko po mismo sa kanya. Kaya nga po masamang-masama ang loob niya sa’yo dahil sa maling paratang.’’

Hindi nakapagsalita si Piolo.

Kinukonsensiya siya. Mahal pala talaga siya ni Mariz.

Pero sino ang nakita niyang kasama nito sa Ayala Avenue?

Ah, saka na niya ito tutuklasin. Maaaring pinag­laruan siya ng engkanto. Ang mahalaga, mahanap niya si Mariz at makahingi ng tawad.

“Bianca, maraming salamat sa’yo. Pangako ko, hindi na iiyak si Mariz.’’

‘‘Salamat po, Mang Piolo.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Kinausap agad ni Piolo si Manong Berto.

‘‘May lakad tayo bukas, Ma­nong Berto. Hahanapin natin si Mariz.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with