^

Punto Mo

2 court cases na may kakaibang kuwento

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Nakiusap si Mother Teresa

Si Charles Keating ay isang magnanakaw pero nagbibigay siya ng donasyon­ sa simbahan. Habang nasa korte ang kanyang kaso, sumulat si Mother Teresa sa judge na may hawak ng kaso. Nakikiusap ito na patawarin na si Keating kagaya ni Hesus na nagpatawad sa isang makasalanan. Nagpadala ng sulat ang judge kay Mother Teresa bilang sagot sa pakiusap nito:

Nakikiusap din po ako na ibalik ninyo sa korte ang donasyong ibinigay ni Keating sa inyo para maisauli ang perang ninakaw niya sa mga biktima. Nasisiguro ko na iyon din ang gustong mangyari ng Panginoong Hesukristo.

Hindi sinagot ni Mother Teresa ang liham.

2. Ang pahamak na sizzling fajitas

Idinemanda ng isang lalaki ang Applebee’s Neighborhood Grills and Restaurant dahil natalsikan ng mantika mula sa sizzling plate ang kanyang mata, mukha at leeg. Pagkatapos kasing isilbi ang  fajitas na nasa sizzling plate, ang lalaki ay tumungo para magdasal bago kumain. Tamang-tama naman na pagtungo niya para magdasal nang buong taimtim, sa kanyang mukha tumama ang mantikang tumatalsik mula sa sizzling plate. Ayon sa lalaki, hindi sana matatalsikan ng mantika ang kanyang mukha kung winar­ningan siya ng waiter.

Idinismis ng trial judge ang kaso.  Ayon sa judge, hindi required na magpaalala ang restaurant sa kanyang kostumer “against a danger that is open and obvious.” Kulang sa common sense ang lalaki kaya nasaktan siya.

COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with