_pang-masa
^

Magkano dapat ang ipatong na interes sa utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Balak ko pong magpa­utang. Gusto ko lang po sanang ma­laman kung may limit ba sa batas ang interes na maari kong ipataw sa uuta­ngin sa akin? —Lanie

Dear Lanie,

Dati ay may Usury Law na nagtatakda ng 12% per annum­ na “ceiling rate” para sa interes ng mga pautang. Ngunit noong 1982, sinuspinde ito ng Central Bank Circular 905-82 kaya mula noon ay wala nang limit ang maaring ipataw na interes sa mga pagkakautang basta’t napagkasunduan ito at nakasulat ang naging kasunduan ukol sa interes.

Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay maari nang magpataw ng napakalalaking interes ang nagpapautang. Marami na kasing naging desisyon ang Korte Suprema kung saan ipinawalang-bisa nito ang napagkasunduang interest rate dahil sa pagiging unconscionable o hindi na makatwiran nito.

Halimbawa, sa kaso ng De La Paz vs L and J Development, pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang napagkasunduang 6% monthly o 72% per annum na interes dahil sa sobrang laki nito. Sa huli ay ibinaba ng Korte sa 6% per annum ang interes. Bakit 6% per annum? Ito kasi ang legal interes sa ilalim ng Civil Code, at madalas na ipinapataw na interes ng korte sa mga ina-award nitong halaga, o kapag ipinapawalang-bisa nito ang masyadong matataas na interest rate sa mga utang. 

Ayon din sa Korte sa  De La Paz vs L and J Development ay masyadong mataas ang anumang interes na hihigit sa 3% monthly o 36% per annum na interes. Kaya kung ako sa iyo, kung magpapataw ka ng interes ay siguraduhin mong makatwiran ito at hindi hindi hihigit sa 3% monthly. Baka kasi wala ka nang masyadong kitain mula sa pagpapautang mo kung sakaling magkademandahan kayo ng pinautang mo at ibaba ng korte  sa legal interes na 6% per annum ang interes sa iyong ipinahiram na halaga.

DEBT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with