^

Punto Mo

Painting na nabili lamang ng $4, gawa pala ng sikat na singer at nagkakahalaga ng $40,000!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG painting ng sikat na rock star na si David Bowie ang nabili lamang sa halagang $4 sa isang donation center sa Ontario, Canada.

Sa Huwebes (Hunyo 24), ipapasubasta ang nasabing painting at tinatayang aabot sa $40,000 ang halaga nito.

Sa panayam sa hindi pinangalanang thrift store shopper na nakabili ng rare ng painting, nalaman lang niya na gawa ito ni David Bowie nang makita ang pirma ng singer sa likod ng canvas.

Yumao noong 2016, ang rock star na si David Bowie ay nag-aral ng pagpipinta noong kanyang kabataan at avid collector din ng mga mamahaling paintings.

Mula 1995 hanggang 1997, lumikha ng 47 portrait painting si David Bowie na tinawag niyang “Dead Heads” at kabilang dito ang nabili lamang sa halagang $4. Walang makapagsabi kung paano napunta sa isang donation center ang nasabing painting.

Ayon sa auction house na Cowley Abbott, nagkaroon ng excitement sa kanilang mga parukyano nang malaman nilang ipapasubasta ang 1997 painting dahil bihirang ibenta ang mga obra ni David Bowie sa mga auction house dahil sobrang rare ng mga ito.

 

vuukle comment

PAINTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with