_pang-masa
^
EDITORYAL - Paghihiwalay sa bakunado at di-bakunado, di maganda

EDITORYAL - Paghihiwalay sa bakunado at di-bakunado, di maganda

(Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

HINDI na kailangang paghiwalayin pa ang bakunado sa hindi bakunado. Magkakaroon lamang ito nang hindi magandang impression sa mga hindi bakunado. Siyempre kung hindi pa bakunado, magkakaroon ng feeling na iiwasan sila dahil wala pang turok. Mahirap o hindi katanggap-tanggap ang ideya na ito na paghihiwalay ng bakunado sa di-bakunado.

Sabi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion mas makabubuti raw kung ihihiwalay ang bakunado sa di-bakunado lalo na sa mga tanggapan o opisina. Dapat daw ma-isolate ang hindi pa bakunado para hindi mahawa ang mga bakunado na. Ilagay daw ang mga ito sa isang section. Sabi pa ni Concepcon, pati raw sa elevator, gym, fine dining restaurants at mga enclosed spaces na hindi maganda ang ventilation ay dapat nakahiwalay ang bakunado sa hindi bakunado. Pero sabi ni Concepcion, pag-aaralan pa ang ideyang paghihiwalay sa mga bakunado at hindi bakunado.

Tutol naman sa ideyang ito ang Department of Health (DOH). Mahabang diskusyon umano bago ito maaprubahan. Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergerie, sisilipin dito ang karapatang pantao. May malalabag na karapatan kapag pinaghiwalay ang bakunado at di-bakunado. Ayon kay Vergerie, maaring may mas maganda pang rekomendasyon kaysa rito.

Hindi maganda ang paghihiwalay ng bakunado sa di bakunado. Tama ang DOH na may malalabag na karapatan. Pinaka-da best na magagawa ay apurahin ang pagbabakuna para lahat ay sama-sama na. Walang pinakamagandang paraan kundi pabilisin ang rollout ng bakuna para maabot ang herd immunity.

Isa pa, magkakaroon ng diskriminasyon kapag inihiwalay ang bakunado sa di-bakunado. Hindi ito dapat mangyari.

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with