_pang-masa
^

Patakaran sa face shield, ano ba talaga?

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

Nagdulot nang kalituhan sa madlang pipol ang iba’t ibang pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan  sa paggamit sa face shield.

Nauna kasing sinabi ni Pangulong Digong na sa ospital na lamang isuot ang face shield.

Iba-iba na ang naging tugon dito ng mga opisyal.

Maging ang DOH ay inapela sa Pangulo na panatilihin ang pagsusuot ng face shield.

Ang naging siste, may nagsabing pwede nang hindi magsuot nito sa labas ng bahay, pero may nagsasabing hindi pa ito dapat na ipatupad at  kailangan manatili sa dating pinaiiral na patakaran.

Sa panig ng PNP, sinabi nilang mananatili silang maninita sa mga hindi nakasuot ng face shield.

Kaya nga ang publiko, aba’y hindi lang nalito kundi hilung-hilo.

Ano ba talaga, kuya?

Dahil dito, marami ang nangangamba, lalo na nga’t nagkaroon na ng bahagyang kaluwagan, tila marami na rin ang nagiging kampante.

Maging sa panig ng mga bakunado,   marami na ang nagre-relax at nakakalimutan na   meron pa ring pandemya.

Ayon nga sa mga eksperto, hindi dapat maging kampante kahit pa ang mga bakunado dahil hindi naman pases ang bakuna para hindi na tamaan ng COVID.

Aba’y, nandyan pa rin naman ang pandemya at walang makapagsasabi kung tatamaan ka ba o hindi ng COVID.

Sa kabila naman nito, may nagsabing kahit pa marahil makabalik sa normal, baka maging normal na sa kanila ang pagsusuot pa rin ng facemask at face shield.

Iba na raw ang nakakasiguro.

Kung sabagay wala namang mawawala kung mas maging maingat, dahil nga hindi pa naman tuluyang nawawala ang COVID,kaya walang dahilan para maging kampante.

Hindi nga ba’t may nagpalutang na posibleng maging ‘no-mask Christmas’ na ang Pinas, na ito ay dapat na masusing mapag-aralan bago pa man ipatupad.  

FACE SHIELD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with