_pang-masa
^

Lihim

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

MALAPIT nang ikasal ang magnobyo ngunit may itinatago silang lihim na ikinahihiya nilang malaman ng bawat isa.

Ang lalaki ay humingi ng payo sa kanyang ama kung paano sosolusyunan ang mabaho niyang paa. Matagal na niyang ipinagagamot ito ngunit gagaling lang sandali at muling babalik ang halimuyak ng tila nabubulok na bangkay ng daga.

Ang payo ng kanyang ama, “Lagi mong hugasan ang iyong paa, tapos lagi kang magsuot ng medyas kahit nasa loob ka ng bahay at habang natutulog. Sa ganoong paraan, maitatago mo ang angot ng iyong paa”.

Sa kabilang dako, hinihingi ng nobya ang payo ng kanyang ina kung paano maitatago ang mabaho niyang hininga sa umaga. Gaano man katagal magsepilyo ng nobya sa gabi bago matulog at magmumog ng isang tabong mouthwash, amoy utot ng kapre pa rin ang kanyang hininga paggising sa umaga. Nahihiya siyang malaman ng mapapangasawa ang lihim niyang ito.

Ang payo ng ina, “Sikapin mong gumising lagi nang mas maaga sa magiging asawa mo. Manahimik ka at iwasang magsalita hangga’t hindi ka nakakapagsepilyo at nagmumumog ng mouthwash.”

Ikinasal ang magnobyo at namuhay ng masaya at walang problema. Nanatiling lihim ang sikreto ng dalawa dahil sa mahiwagang medyas ng lalaki at morning silences ng babae. Ngunit isang umaga ay mas maagang nagising si Mister kaysa kay Misis dahil naramdaman niyang natanggal ang isa niyang medyas. Sumingaw tuloy ang baho ng isa niyang paa.

Nagising si Misis sa kaluskos ng asawa na naghahanap ng medyas na natanggal. Wala sa loob na lumapit ito sa asawa at nagtanong:

“Honey bakit ka paikut-ikot? Ano bang hinahanap mo?”

Nalanghap ng mister ang hininga ng kanyang misis. Napasimangot ito dahil bumuga sa kanyang pagmumukha ang nakakasulasok na amoy ng morning breath ng kanyang misis. Napasigaw ito…

“O, my God, nalulon niya ang nawawala kong medyas!”

Secrets are like pregnancies hereabouts. You can hide them for a while but then they will start screaming. – Jim Crace  

WEDDING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with