_pang-masa
^

Bisikleta na hindi na kailangang balansehin, naimbento na sa China!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 21, 2021 - 12:00am

MATAPOS mawalan ng balanse at malaglag sa kanyang bisikleta, isang engineer mula sa China ang nakaimbento ng bisikleta na hindi na kailangang balansehin!

Inimbento ng Chinese engineer na si Zhi Hui Jun ang self-balancing bicycle matapos siyang magtamo ng minor injuries sa kanyang mukha dahil sa aksidente sa pagbibisikleta.

Sa loob lamang ng apat na buwan, inilaan ni Zhi Hui Jun ang kanyang weekends para imbentuhin ang self-balancing bicycle na gumagamit ng makabagong teknolohiya ng accelero-meters at gyroscopes na may kakayahang ma-monitor ang galaw ng bisikleta upang hindi ito tumagilid at sumemplang.

Sa tulong ng lithium battery, kaya ng bisikletang ito na balansehin ang sarili tumatakbo man o nakaparada. Kahit sabitan ng mabigat na bagay ang isa sa mga handlebar nito ay hindi ito tutumba.

Bukod sa kakayahan nitong magbalanse, meron pa itong RGB depth-sensing camera na may LIDAR sensor na kayang maka-detect ng mga bato o kahit anong nakaharang na bagay upang makaiwas sa aksidente.

Si Zhi Hui Jun ay nagtapos sa China University of Electronic Science and Technology noong 2018 at bahagi siya ng Young Genius program ng isang sikat na smartphone brand sa China.

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with