^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi na kailangang takutin ang mga tao para magpabakuna

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi na kailangang takutin ang mga tao para magpabakuna

KUNG dati, marami ang umaayaw at nangangamba sa bakuna, ngayon ay hindi na. Dumadagsa na ang mga tao sa vaccination centers para magpa-bakuna laban sa COVID-19. Hindi na kailangang takutin ang mga tao ngayon para lamang makumbin-sing magpabakuna. Sila na ang kusang lumalapit para mabakunahan. Wala nang pilitan ngayon.

Isang halimbawa ay ang inilunsad na QC Bakuna Nights noong Miyerkules ng gabi sa Quezon City Hall grounds. Dumagsa ang mga manggagawa para mabakunahan. Ginawang gabi ang vaccination para hindi na mag-absent ang manggagawa sa kanilang trabaho. Naging matagumpay ang Bakuna Nights sapagkat maraming nabakunahan. Nagpapatunay lamang ito na marami ang nagnanais mabakunahan para hindi dapuan ng virus. Hindi na kailangang takutin na mamamatay kapag hindi nagpabakuna.

Kahit sa Maynila, maraming residente ang gustong magpabakuna. Sa ginawang bakunahan sa Sta. Ana, Maynila noong Lunes, marami rin ang dumagsa at pumila. Pero mayroong pinaalis sa pila dahil para lamang daw sa taga-Punta. Maraming taga-ibang distrito ang umasang mababakunahan din sila kaya nakipila pero yun pala ay ekslubsibo sa mga taga-Punta. Maraming umuwing bigo sapagkat hindi naba­kunahan. Maaga pa naman daw silang pumila.

Ang senaryo ay nagpapakita lamang na maraming mamamayan ang gustong magpabakuna. Maraming nagtutungo sa vaccination site at nagbabakasakaling mabakunahan pero hindi matupad dahil hindi sapat ang suplay. Kulang ang suplay ng bakuna.

Ang mga nangyayaring ito na marami nang gus-   tong magpabakuna ay kumukontra sa sinasabi ni President Duterte na marami raw tumatangging magpabakuna. Kaya sabi niya, magpabakuna o mamatay? Bumili na lang daw ng kabaong o kaya’y magpasunog.

Hindi dapat ganito ang sabihin sa mamamayan sapagkat nagkukusa na nga silang magtungo sa vaccination sites. Ang dapat tanungin ng Presidente ay ang DOH at IATF kung mayroon bang suplay na bakuna. Siguruhin na may sapat na suplay bago magsalita na may pagbabanta o pananakot.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with