_pang-masa
^

May remedyo pa ba kapag na-acquit ang akusado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - June 20, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

May remedyo pa ba kami kung sakaling na-acquit po ang sinampahan namin ng BP 22? Ayon po kasi sa desisyon ng korte, hindi namin napatunayan na natanggap ng inirereklamo namin ang demand letter na ipinadala namin sa kanya. Maari pa po ba kaming mag-apila o sampahan muli ng kaso ang inirereklamo namin na tunay namang niloko kami? — Amy

Dear Amy,

Sa ilalim ng ating batas, may tinatawag na proteksyon laban sa double jeopardy kung saan hindi na maari pang malagay sa alanganin ng pagkakabilanggo o anumang pagpaparusa ang isang indibidwal para sa isang krimen kung saan siya napawalang-sala na dati.

Alinsunod lang din ito sa konsepto na kailangang mapatunayan ang “guilt beyond reasonable doubt” ng isang akusado bago siya maparusahan ng batas para sa isang krimen. Kung napawalang-sala na minsan ang isang indibidwal sa isang krimen, sapat na itong “reasonable doubt” o agam-agam ukol sa kanyang pagkakasala sa nasabing krimen kaya hindi na siya maari pang usigin muli ukol dito.

Sa madaling sabi, hindi na maaring iapela ang hatol na acquittal sa isang akusado o sampahan muli siya ng panibagong kaso para sa kaparehong krimen. Mas mainam po kung tatanungin n’yo ang inyong abogado na nag-handle ng kaso ngunit malabo na pong magkaroon ng remedyo para sa acquittal ng inirereklamo n’yo.

Kahit iapela n’yo po kasi iyan o magsampa kayo ng panibagong kaso ay malamang na ibabasura lang din ang apela n’yo o ang isasampa niyong kaso dahil paglabag na po iyon sa nabanggit kong proteksyon sa double jeopardy.

Malalagay na naman kasi sa alanganin ng pagkakabilanggo o anumang pagpaparusa ang inirereklamo n’yo para sa isang krimen kung saan siya napawalang-sala na dati, na ipinagbabawal ng ating Saligang Batas.

 

CASE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with