^

Punto Mo

Kakaibang Eba (108)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, bumalik sina Piolo at Manong Berto sa dating tirahan ni Mariz sa Pasay.

‘‘Pakiusapan mo ang babaing nakausap dati na sabihin kung nasaan si Mariz. Malakas ang kutob ko na alam ng babaing yun kung nasaan si Mariz,’’ payo ni Manong Berto nang nakaparada na sila ilang metro ang layo sa bahay na tinirahan ni Mariz.

‘‘Opo Manong.’’

‘‘Umarte ka at baka matangay mo ang babae e ipagtapat kung nasaan si Mariz. Ang mga babae kasi e malambot ang puso kapag nagdrama na ang kausap.’’

‘‘Sige Manong. Aarte ako. Kung maari e iiyak ako, he-he-he!’’

“Sige kung makakaya mong umiyak e gawin mo.’’

Bumaba ng sasakyan si Piolo.

Tinungo ang gate ng bahay.

Nag-obserba muna siya sa paligid. Tahimik na tahimik ang bahay. Parang walang tao.

Kumatok siya sa gate. Tatlong katok.

Walang lumalabas mula sa bahay. Baka nga walang tao.

Inulit niya ang katok. Tatlong beses uli.

Wala pa ring lumalabas. Inulit niya. Apat na katok at sinundan niya ng “Tao po! Tao po!’’

Maya-maya may nagbukas ng pinto. Kasunod ay ang paglabas ng babaing nakausap niya noon. Maganda ang babae. Sexy sa suot na shirt at shorts.

“Good morning. Ako yung nagpunta dati at nagtatanong kay Mariz. Nagbabakasakali ako na baka alam mo na kung nasaan siya.’’

“Hindi ko po talaga alam, Sir.’’

Nagsimula nang umarte si Piolo.

Pinagaralgal niya ang boses. Pinalungkot ang mukha. Mapapahiya ang mga dramatic actor sa kanya.

‘‘Kung saan-saan na ako nagpunta para hanapin si Mariz. Pinuntahan ko na ang kanyang pinagtatrabahuhan pero walang nakaaalam kung nasaan siya. Nagtanung-tanong ako kung anong probinsiya niya pero walang nakaaalam. Hirap na hirap na ako at hindi alam kung saan siya hahanapin. Parang masisira ang isip ko sa pag-iisip kung paano siya makikita…’’

Nakatingin ang babae kay Piolo. Para bang sinasalamin nito ang kadalisayan ng sinasabi ni Piolo.

Nangilid ang luha ni Piolo.

Dumukot si Piolo ng panyo at pinahid ang namalisbis na luha.

“Please, nakikiusap ako sa’yo na sabihin sa akin kung saan makikita si Mariz. Parang awa mo na.’’

Hindi makapagsalita ang babae na parang natatangay na sa pag-arte ni Piolo.  (Itutuloy)

 

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with