^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag magmadali sa face-to-face classes

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag magmadali sa face-to-face classes

BALAK ng Department of Education (DepEd) na buksan ang school year 2021-2022 sa Agosto o Setyembre pero hindi nilinaw kung face-to-face o distant learning pa rin ang sistema. Sabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, dalawang petsa ang kanilang ipipresenta kay President Duterte. Tanging ang Presidente umano ang magpapasya nito. Magtatapos ang school year 2020-2021 sa Hulyo 10.

Dapat linawin ng DepEd kung ang kasalukuyan pa ring sistema ang ipaiiral o face-to-face classes pa rin. Bakit naman kailangan pang si President Duterte ang magpasya ng school opening gayung may sarili namang school calendar. Kahit naman distant learning ang sistema, ganun pa rin kahaba ang school days na bubunuin.

Hindi kaya hihilingin ng DepEd sa Presidente na magbukas na ang face-to-face classes sapagkat nagluluwag na ang pamahalaan. Ayon sa Department of Health (DOH) at OCTA Research Group, bumababa na ang kaso ng COVID-19. Hindi na raw siksikan sa mga ospital ang mga COVID patients.

Noong nakaraang linggo, pinayagan na ng higher education officials na mag-face-to-face classes na ang mga unibersidad sa mga kursong Medicine, Nursing, Medical Technology, Dental Medicine at iba pang related na kurso.

Hindi naman ito dapat gawing basehan ng DepEd kung nagbabalak silang ibalik na rin ang face-to-face sa public school. Marami pa ang nagkakasakit. Patuloy pa rin ang hawahan.

Maaari namang hindi pumayag si President Duterte sa suhestiyon ng DepEd na mag-face-to-face classes na. Tutol siya rito. Isa pa, marami pa ang hindi nababakunahang guro. Hinid dapat magmadali ang DepEd sa face-to-face classes. Hindi dapat isubo ang mga estudyante sa pagkakasakit.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with