^

Punto Mo

Baka hindi mo pa alam… (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Bakit bigla na lang kumikibot ang talukap ng mata?

Eyelid myokymia ang tawag sa hindi sinasadyang pagkibot ng talukap. Ayon sa mga eksperto, ang sanhi ng myokymia ay pagod, stress, eyestrain, poor nutrition, sobrang caffeine at alcohol. Maiiwasan ang pagkibot ng talukap kung babawasan ang pag-inom ng kape, alak at sapat na pahinga at tulog.

May pekas na ba ang mga tisoy o tisay na beybi paglabas nila sa tiyan ng kanilang mommy?

Of course, walang beybi na ipinanganak na may pekas. Ang pekas ay tumutubo kapag na-expose na sa araw si Baby. Mga mapuputi lamang ang kadalasang may pekas. Ang pekas ay dulot ng melanin o pigment sa ating balat na dumadami kapag naaarawan. Ang melanin ang nagbibigay ng natural na kulay (brown) sa balat o buhok. Walang pekas ang taong kayumanggi ang balat dahil ang melanin ay brown na kakulay ng kayumangging balat.

Lumalaki ba ang taynga ng tao?

Oo, lumalaki ang ating “outer ears” kasabay ng ating paglaki. Mga 0.22 millimeter per year ang inilalaki nito. Ngunit pagsapit sa ika-10 taon, ito ay tumitigil na sa paglaki. Ang earlobe lamang ang patuloy na lumalaki hanggang sa ating pagtanda. Ang earlobe ay ‘yung laman na sinasabitan ng hikaw. Mas mahaba ang earlobe ng lalaki kaysa babae.

Bakit napapalagutok natin ang ating daliri o iba pang “joints” nang hindi nababalian?

Ang hugpungan ng buto (joints) na ating naibabaluktot (daliri, balikat, braso, tuhod, bukong-bukong ng paa) ay may lubricant para madali nating maigalaw ang mga iyon. Nagpo-produce ng gas ang lubricant kapag ginalaw-galaw mo ang joints. Paglabas ng gas, ito ay magpa-“pop” na naririnig natin bilang lagutok ng buto.

vuukle comment

STRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with