_pang-masa
^
EDITORYAL - Pasig River, nangunguna sa dami ng plastic na sinusuka

EDITORYAL - Pasig River, nangunguna sa dami ng plastic na sinusuka

(Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

LABINGSIYAM na ilog sa bansa ang nagpaparumi sa karagatan dahil sa dami ng mga isinusukang plastic na basura. Nangunguna rito ang Pasig River na ang mga basura ay inaanod patungo sa Manila Bay. Pawang mga plastic na basura ang iniluluwa ng Pasig River dahilan para maging polluted ang Manila Bay.

Bukod sa Pasig River, nagluluwa rin ng maraming basura sa karagatan ang mga ilog ng Tullahan, Meycauayan, Pampanga at Libmanan. Ang mga ilog na ito ang nangunguna sa dami ng mga plastic na basura na isinusuka sa karagatan.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa at nalathala sa journal Science Advance, nasa 1,600 ilog sa buong mundo ang nagko-contribute para ma-pollute ang karagatan. Ayon sa pag-aaral, 80 percent ng mga ilog ay nagsusuka ng mga basurang plastic na humahantong sa dagat. Kahit umano maliit ang ilog ay nakakapag-contribute ng mga basurang plastic. Walang tigil sa paglalakbay ang mga basurang plastic na pawang humahantong sa dagat..

Ayon pa sa pag-aaral, ang Pasig River ay nakakapag-contribute ng mahigit 356,000 metriko tonelada ng plastic na basura sa karagatan bawat taon. Ang Pasig River na may habang 27 kilometro ay nakapaikot na parang ahas sa mataong Metro Manila. Maraming bayan at lungsod ang nasa paligid ng Pasig River at ang mga ito ay nagko-contribute ng 63,000 tonelada ng basura bawat taon.

Problema ang plastic na basura sa Metro Manila. Nararapat nang magkaroon nang pangmatagalang solusyon ang local government units (LGUs) para mabawasan ang paggamit ng plastic. Sa Quezon City, ipinatutupad ni Mayor Joy Belmonte ang pagbabawal sa paggamit ng single-used plastic. Kamakailan, inilunsad niya na ang “trash to cash” kung saan lahat ng recyclelables na basura ay ipapalit ng pagkain at pera.

Gawin din sana ito sa lahat ng lungsod para ma-lutas ang problema sa plastic pollution.

PASIG RIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with