_pang-masa
^

Kakaibang Eba (105)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

“SAAN natin hahanapin ang babae, Piolo ?’’ tanong ni Manong Berto nang nasa EDSA na sila.

“Hindi ko nga alam, Manong. Si Mama lang kasi ang mapilit na hanapin ko si Mariz.’’

“Mayroon akong ita­tanong Piolo at sana ay huwag mong ikasasama ng loob. Ano mo ba si Mariz?’’

“Siyota ko dati Manong.’’

‘‘Tapos anong nangyari sa inyo?’’

‘‘Nabisto ko siya na merong kasamang lalaki sa Ayala Avenue.’’

‘‘Ito ba yung sinasabi mong babae na halos kasabay din nang makita mo si Maria Celia?’’

“Opo Manong. Nakita ko siyang may kaabresiyeteng lalaki at nang kumprontahin ko e tumatanggi. Hindi raw siya nagpupunta sa Ayala. Da-lawang beses siyang tumanggi at dahil sa asar o galit ko, hindi ko na siya pinuntahan o dinalaw.’’

Hindi nagsalita si Ma- nong Berto. Patuloy sa mai-ngat na pagmamaneho pero halatang nag-iisip sa mga pinagtapat ni Piolo.

‘‘’Yan ang dahilan kaya tinabangan ako kay Mariz, Manong.’’

Hind nagsasalita si Ma­nong.

“Si Mama lang ang may gustong hanapin ko si Mariz. Pinagbibigyan ko lang si Mama, Manong.’’

“Palagay ko dapat mong sundin ang mama mo, Piolo.’’

“Bakit Manong?’’

“Basta.’’

“Sige Manong.’’

KINABUKASAN, nagtungo si Piolo sa pinagtatrabahuhan ni Mariz. Pero wala na raw dun si Mariz. Nag-resign na. (Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with