_pang-masa
^

90-anyos na babae sa Japan, tinaguriang pinakamatandang fitness instructor!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 17, 2021 - 12:00am

KUNG may isang tao na makakapagpatunay ng kasabihang “age is just a number”, marahil ito ay si Takishima Mika ng Japan. Dahil sa edad na 90, ay hindi lamang siya regular na nakakapag-ehersisyo, nagtatrabaho pa siya sa isang gym doon bilang fitness instructor!

Nagsimulang maging interesado sa pag-eehersisyo si Mika noong siya’y 65 years old matapos punahin ng kanyang mister ang bumibigat niyang timbang.

Kaya noong nagsisimula pa lamang siya ay gusto lamang niyang magbawas ng timbang ngunit makalipas ang ilang taon na pag-eehersisyo at nakapagbawas na siya ng 15 kilograms, naisip niya na marami pa siyang gustong mapatunayan sa kanyang fitness journey.

Kaya pagtuntong niya ng edad na 87, nagdesisyon siya na maging fitness instructor dahil sa paghihikayat ng kanyang coach na si Nakasawa Tomoharu. Ayon kay Tomoharu, nakita niya na magiging inspirasyon ng karamihan ang isang tulad ni Mika.

Simula ng maging fitness instructor si Mika, maraming kababaihan na may edad ang nag-enroll sa kanyang fitness program. Napansin ito ng media kaya naging madalas ang kanyang guesting sa telebisyon, radyo at magazines.

Sa kasalukuyan, limitado ang pagbibigay ng fitness class ni Mika dahil sa COVID-19 at sa bahay na lang muna siya nag-eehersisyo.

JAPAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with