^

Punto Mo

Takot sa bakuna nawala na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi maitatanggi na tumaas at patuloy na tumataas ang kumpiyansa ng mga nakakarami sa bakuna.

Katunayan ito, na kung dati, ang mga bakuna ang nabibinbin at naka-stock sa mga LGU, ngayon kakaiba kinakapos na sila ng bakuna.

Araw-araw ay masusumpungan ang pagdagsa ng ating mga kababayan sa mga vaccination site sa iba’t ibang lugar.

Matiyaga silang pumipila, mabakunahan lang.

Mas nakakarami dito, eh tiyak na mga essential workers na kailangan na talagang lumabas ng bahay at magpatuloy sa mga paghahanapbuhay.

Mistulang nagbago ang ihip ng hangin, dahil sa dami ngayon ng nais na magpabakuna ang bakuna ang kinakapos.

Ngayon nga dumating pa sa punto, na pinagagamit na rin maging ang nakareserbang bakuna para sa second dose ng mga nauna nang naturukan. Sa madaling salita, pinagagamit muna ito  sa mga bago pa lang magpapaturok.

Nawala ang problema sa vaccine hesistancy dahil nga ang nakikita na ng marami eh ang pangangailangan na sa bakuna. Iba na siyempre ang protektado.

Marahil dito naman dapat tumutok ang pamahalaan. Kung dati kuntodo information dissemination ang kailangan para mahikayat ang mga tao na magpabakuna, ngayon dapat marahil na matutukan at matiyak na maging steady ang vaccine supply.

Nangangailangan din dito ng maayos na distribusyon.

Magandang senyales ito, dahil kung magtutuluy-tuloy ang dating ng bakuna, hindi malayong maaga nating matamo ang herd immunity o malaking porsiyento ng populasyon na ang nabakunahan na.

Susunod na marahil dito, ang unti-unti nang pagbabalik sa normal na pamumuhay.

 

 

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with