^

Punto Mo

Kakaibang Eba (104)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KABISADO pa ni Piolo ang tirahan ni Mariz sa Pasay. Da­lawang beses na niya itong naihatid pero hindi siya naka­pasok sa tirahan nito. Pinapapasok siya ni Mariz pero tumatanggi siya. Hindi kasi siya seryoso kay Mariz. Nakilala niya si Mariz sa isang dinaluhang seminar sa Laguna. Nagkatabi sila sa upuan at bago natapos ang isang linggong seminar ay siyota na niya ito. At naikama agad niya. Binigay agad ang sarili kahit hindi pa sila lubusang nagkakakilala.

Bumaba si Piolo sa kotse at sinabihan si Manong Berto na maghintay. Kumatok siya sa gate. Kabisado pa niya ang gate kahit gabi kung ihatid si Mariz doon.

Walang lumalabas kahit nakadalawang katok na siya.

Inulit niya ang pagkatok. Malakas para marinig.

Saka lamang may lumabas mula sa bahay.

Isang babae na 20-anyos marahil ang lumabas. Maganda, sexy, naka-shorts.

‘‘Good morning! Dito pa ba nakatira si Mariz?’’ tanong ni Piolo.

‘‘Hindi na po siya rito nakatira,’’ sagot ng babae.

“Matagal na?’’

“Mga ano po… dalawang buwan na siguro.’’

“Saan siya nakatira ngayon?’’

“Hindi po sinabi.’’

“Dun pa rin siya nagtatrabaho sa Pasong Tamo Ext.?’’

‘‘Hindi ko po alam.’’

“’Yung number niya sa CP, yun pa rin ba?’’

“Hindi ko po alam.’’

Naiinis na si Piolo dahil walang alam tungkol kay Mariz ang kausap niya.

“Alam mo ang dahilan kung bakit siya umalis dito?’’

“Naku hindi po. Wala po akong alam kung bakit bigla siyang umalis dito. Bigla na lamang nag-empake ng damit at umalis na.’’

“Wala man lang sinabing dahilan?’’

“Wala po.’’

“Hindi kaya mag-aasawa na?’’

“Naku hindi po siguro.’’

“Bakit?’’

“Basta po hindi siguro ganun ang dahilan.’’

“Talagang wala kang alam kung nasaan o kung paano siya makokontak?’’

“Wala po talaga.’’

“Sige, salamat.’’

‘‘Wala pong anuman.’’

Tumalikod na si Piolo at tinungo ang kotse. Sumakay. Tiningnan niya ang babae na naroon pa sa gate at nakatingin.

Binalingan ni Piolo si Manong Berto.

‘‘Tayo na Manong.’’

Pinatakbo ni Manong ang kotse.

‘‘Wala na roon ang hinahanap kong babae. Hindi alam kung saan nagpunta.’’

“Bakit daw hindi alam.’’

“Ewan ko. Parang tanga ang kausap ko.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with