^

Punto Mo

EDITORYAL - Mabagal ang rollout ng bakuna

Pang-masa
EDITORYAL - Mabagal ang rollout ng bakuna

MARAMI nang mamamayan ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 pero ang problema, mabagal ang rollout. Marami nang nagrerehistro sa barangay para mabakunahan at marami na rin ang nag-register online pero mabagal ang pagbibigay ng schedule kung kailan babakunahan.

Maraming mayor sa Metro Manila ang nagrereklamo na kakaunti ang natatanggap nilang bakuna at isa ito sa dahilan kaya bumabagal ang pagbabakuna sa mga residente. Una nang sinabi ng Department of Health at IATF na mas maraming bakuna ang ilalaan sa Metro Manila sapagkat narito ang sentro ng pandemic pero nakapagtatakang marami pa rin ang hindi nababakunahan. Marami sa mga senior citizens ang gusto nang maturukan pero patuloy pa rin silang naghihintay na ma-schedule.

Noong nakaraang linggo, maraming dumating    na bakuna at kabilang dito ang milyong doses ng Pfizer at Sputnik V. Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. may paparating pang mga bakuna ngayong Hunyo. Sa Hulyo ay marami pang parating kaya nasabi ni Galvez na maaaring magsimula ang mass vaccination sa Setyembre. Kapag nabakunahan na ang nakararaming Pinoy magiging maganda at masaya na umano ang Pasko.

Sa kasalukuyan, dalawang milyon (2 percent) pa lamang sa 109 milyong Pinoy ang nababakunahan. Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega,     mula nang umpisahan ang pagbabakuna noong Marso 1, maliit na porsyento pa lamang ng populas­yon ang nababakunahan at mahihirapang maabot ang target na 50 percent hanggang 70 percent bago matapos ang taon. Para raw maabot, kailangang makapagbakuna ng 500,000 tao araw-araw. Pero ito raw ay depende sa dumarating na suplay ng bakuna.

May mga bakuna nang dumarating pero mabagal ang rollout. Handa nang magpabakuna ang publiko pero bakit masyadong mabagal ang proseso at marami ang naghihintay. Sino ang may depek­to? Sino ang maysala sa mabagal na rollout ng bakuna?

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with