^

Punto Mo

Kakaibang Eba (103)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BREAK TIME ni Piolo nang muli niyang tawagan si Mariz. Pero wala na talaga. Pawang recorded voice ang narinig niya hindi avai-lable ang number na tinatawagan.

Nang ulitin niya ay wrong number naman. At sa pangatlo ay recorded voice na not accessible ang number at out of coverage area.

Nababanas na siya. Gusto lang niyang masiyahan ang kanyang mama kaya tinatawagan si Mariz. Kapag nakontak niya si Mariz ay ipakakausap niya sa kanyang mama at nang magkaalaman na. Nabubulagan ang kanyang mama kay Mariz. Kapag nagkausap sila ay baka magbago ng isip ang kanyang mama.

Pinagbibigyan lang niya talaga ang kanyang mama kaya ito tinatawagan. Pero hindi naman niya makontak ngayon. Baka nagpalit na ng number kaya hindi niya makontak. O baka naman wala na rito sa bansa. Parang nabanggit na gusto nitong mag-abroad. Mamaya na lamang niya uli tatawagan si Mariz. Kaila-ngan ay may maireport siya sa kanyang mama.

Alas singko ng hapon, dinayal uli niya ang number ni Mariz. Pero wala talaga. Umuwi na siya nang hindi makontak.

Tama ang hula niya na tatanungin siya ng kanyang mama ukol kay Mariz.

“Tinawagan mo si Mariz, Piolo?’’

‘‘Opo pero nagbago na yata ng number. Wala na.’’

“Bakit hindi mo punta-han sa bahay?’’

Yamot na si Piolo pero ayaw niyang suwayin ang ina. Kahit kailan ay hindi niya ito sinusuway.

“Alam mo naman yata ang bahay ni Mariz e puntahan mo na. Kasama mo naman si Berto – driver mo.’’

“Saan ba nakatira si Mariz?’’

‘‘Sa Pasay ‘Ma.’’

‘‘Sige po.’’

Kinabukasan, pinunta-han nila ang tirahan ni Mariz sa Pasay. (Itutuloy)

vuukle comment

KAKAIBANG EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with