Pabango na amoy bagong panganak na sanggol, viral ngayon sa Japan!
ISA sa paboritong ikuwen-to ng mga magulang ay kung gaano kasarap amuyin ang mga bagong panganak na sanggol.
Madalas ilarawan ang amoy ng bagong panganak na baby bilang matamis at malinis kaya isa ito sa nami-miss ng mga magulang.
Kaya pinag-uusapan ngayon ng mga Japanese netizens sa Twitter ang isang pabango na kasing amoy daw ng newborn baby, ang eau de toilette perfume na “Mother Milk”! Gawa ito ng Tokyo Randebu, isang perfumery company sa Japan.
Ayon sa kanilang mga promotional pamphlets, ginawa nila ang ‘‘Mother Milk’’ para ipaalala sa mga magulang na biyaya ang mga sanggol mula sa kalangitan.
Maraming Japanese netizens ang na-curious sa amoy ng pabangong ito kaya naging no. 1 bestseller ito sa perfume category sa isang shopping website doon.
Base sa mga reviews ng mga Japanese netizens sa Twitter, naging magkasalungat ang naging opinion ng mga taong nakabili at nakasubok na nito.
May ilang netizens na inihalintulad ang amoy nito sa kanilang baby at may ilan naman ang nagsabi na pinaghalo-halo lamang ito na amoy milk, caramel, vanilla, at butterscotch.
Sa kasalukuyan, mabibili lamang ang “Mother Milk” sa mga Japanese online shopping websites sa halagang 2,640 yen.
- Latest