_pang-masa
^

Kapag nagigising sa madaling araw…

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - June 14, 2021 - 12:00am

KUNG tuluy-tuloy ang iyong pagtulog hanggang umaga, masuwerte ka. Ngunit kung nagigising ka sa madaling araw, may ibig sabihin ito ayon sa Chinese medicine.

Kung sa umpisa pa lang ay hindi makatulog sa pagitan ng 9:00 p.m. at 10:00 p.m. — ibig sabihin ay stressed ka. Para makatulog: Huminga nang dahan-dahan upang marelaks ang mga muscles sa katawan. Mag-isip ng masasayang memories.

Kung nagigising ka sa pagitan ng 11:00 p.m. at 1:00 a.m. — Ibig sabihin ay nakakaranas ka ng kabiguan. Nagiging aktibo ang pantog kapag masama ang iyong loob. Ang resulta ay ihi nang ihi. Para mabawasan ang emotional disappointment, unawain ang sarili. Tanggapin na parte talaga ng buhay ang mabigo. Patawarin mo ang iyong sarili. Magpahinga sandali. Muling tumayo at ipagpatuloy ang pagsisikap.

Kung nagigising sa pagitan ng 1:00 a.m. to 3:00 p.m. — May ikinagagalit ka. Ang anger energy ay nakakonekta sa liver. Nagkakaroon ng problema sa liver kapag may kinikimkim na galit ang isang tao, ayon sa Traditional Chinese Medicine World Foundation. Himayin ang mga pangyayari kung paano nagsimula ang nadadama mong galit. Tapos tanungin ang sarili: Ano bang benepisyo ang matatanggap ko kung ipagpapatuloy ko ang aking galit? Ang pagkimkim ng galit ay kahalintulad ng pag-inom mo ng lason pero inaasahan mong ang mamamatay ay ibang tao.

Nagigising sa pagitan ng 3:00 a.m. at 5:00 a.m. dahil nakakadama ka ng alinman sa mga sumusunod: desperateness, pessimism, feeling like a victim, injustice, and emotional coldness. Ang organ  na konektado sa mga ganitong nararamdaman ay lungs. Kapag tuluy-tuloy ang negatibong emosyon, malaki ang posibilidad na magkasakit sa  lungs. Sa traditional Chinese medicine, ang kalungkutan at depresyon ay humahadlang upang hindi magawa ng lungs ang kanyang trabaho sa iyong katawan.

Nagigising sa pagitan ng 5:00 a.m. at 7:00 a.m. Dahil may kinikimkim na emosyon na hindi mailabas. Halimbawa, in love sa isang tao ngunit hindi niya mailabas. Or nais ipaalam sa buong mundo na siya ay gay pero hindi niya magawa. Puwede rin may guilt siyang nadadama ngunit walang lakas ng loob na magtapat ng katotohanan. Ang resulta nito ay malalang pagtitibe. Pati ang dumi ng kanyang katawan ay hindi makalabas.

Magiging normal lamang ang sistema ng katawan kung magiging tapat ka lang sa iyong sarili at sa mga taong nakapaligid sa iyo. Hubarin ang maskara at magpakatotoo.

MEDICINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with