^

Punto Mo

Maari pa rin bang idahilan ang self-defense kung hindi naman kasama sa away?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nasangkot po sa suntukan ang asawa ko dito sa lugar namin. Nang umawat po ako, tinadyakan ko ang kasuntukan niya dahil tuloy pa rin ito kahit tumigil na ang aking asawa. Natumba po siya dahil dito at nasugatan. Ngayon po ay ako ang may nakasampang reklamo sa barangay. Maari ko po bang idahilan na self-defense ang nangyari kahit hindi naman ako ang target na saktan ng nakaaway ng aking asawa?—Mylene

Dear Mylene,

Hindi lang naman self-defense o pagtatanggol sa sarili ang kinikilala ng batas bilang justi-fying circumstance o yung mga sitwasyon kung saan maaring makaiwas sa pananagot sa krimen ang isang indibidwal.

Bukod sa self-defense, mayroon ding tinatawag na defense of relative o pagtatanggol sa kamag-anak. Hindi ito masyadong naiiba sa self-defense, dahil kailangan din na may (1) may aggression o pag-atake laban sa isang kamag-anak na labag sa batas; at (2) ang paraang ginawa ng indibidwal upang mapigilan o malabanan ang pag-atake na laban sa kanyang kamag-anak ay makatwiran at nararapat base sa sitwasyon.

Kailangan din na walang nanggaling na pang-uudyok o paghamon mula sa indibidwal na nagtatanggol sa kanyang kamag-anak.

Base sa iyong nabanggit, mukhang pasok naman sa tinatawag na “defense of a relative” ang ginawa mong pagtatanggol sa iyong asawa, basta’t ang ginawa mong pagtadyak ay masasabing nararapat lamang sa sitwasyon, at hindi ka nang-udyok o nanghamon sa kanyang nakasuntukan.

Maari mo itong gamiting depensa kung sakaling maging kriminal na kaso ang reklamo laban sa iyo.

vuukle comment

SELF-DEFENSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with