^

Punto Mo

Teenager sa india na nawala ng 11 taon, nasa kapitbahay lang pala!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG teenager sa India ang iniulat na nawala noong 2010 ang natagpuan sa tahanan ng kanilang kapitbahay matapos ang 11 taon!

Labingwalong taong gulang lamang si Sajitha nang mawala siya sa kanilang lugar sa Ayalur village sa Palakkad, India.

Ngunit ang hindi alam ng mga magulang nito, nasa kabilang bahay lang pala ito at nakipagtanan na sa kanyang boyfriend na si Alinchuvattil Rahman.

Kasama ni Rahman sa bahay ang kanyang ina at kapatid ngunit walang ideya ang mga ito na naroon si Sajitha dahil nagkukulong ito sa silid tulugan ni Rahman.

Ang tanging naging liba-ngan ni Sajitha sa loob ng 11 taon ay isang maliit na tele-bisyon na may nakakonektang headphones. Limitado rin ang oras niya ng paggamit ng CR dahil tuwing gabi na tulog na ang lahat lamang siya ma­layang nakakagamit nito at tuwing nasa trabaho ang ina at kapatid ni Rahman.

Ayon sa kapatid ni Rahman, makalipas ang 11 taon, napansin niya ang kakaibang kilos ng kanyang kapatid. Lagi na nitong dinadala ang kanyang pagkain sa kuwarto para doon kumain at nagiging bayolente ito kapag may nagtatangkang pumasok sa kanyang kuwarto.

Nitong nakalipas na Mayo 2021, nagkaroon ng pagtatalo si Rahman at kanyang pamil­ya. Naisipan ni Rahman na umalis sa kanilang tahanan kasama si Sajitha nang hindi nagpapaalam.

Dahil dito, nag-file ng missing persons report ang pamil-ya niya sa pulisya at nang mahanap nila si Rahman, nagulat sila na kasama nito ang kapitbahay nilang si Sajitha na nawala sa loob ng 11 taon.

Matapos kuwestiyunin ng pulisya ang magkasintahan kung bakit nila iyon nagawa, sinabi ng mga ito na tutol ang kanilang mga pamilya dahil magkaiba sila ng relihiyon.

Sa kasalukuyan, legal na ang pagsasama nina Sajitha at Rahman matapos magpakasal sa huwes.

vuukle comment

MISSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with