^

Punto Mo

EDITORYAL - Bigo sa drug war

Pang-masa
EDITORYAL - Bigo sa drug war

SA isang taon ay bababa na sa puwesto si President Duterte. Magreretiro na raw siya. Ito ay sa kabila ng mga usap-usapang tatakbo siyang VP. Pinabulaanan naman niya ito nang interbyuhin ni Pastor Quibuloy, wala na raw siyang balak at maski nga ang anak niyang si Sara ay sinabihan niyang huwag tumakbo sa presidential race.

Anuman ang kahinatnan ng mga haka-haka, at sakali ngang magretiro na si Digong, ang isang tiyak ay wala siyang iiwanang panalo sa pakikipaglaban sa ilegal na droga. Sa loob ng anim na taon na war on drugs niya, walang nakitang pagbaba sa problema ng ilegal na droga at lumubha pa nga. Sa kasalukuyan, halos araw-araw ay may nakukumpiskang shabu na milyones ang halaga. Marami ring nadadakmang drug pushers. May mga napapatay pa.

Ang nakapagtataka, mga pipitsugin ang nada­dakmang pushers. Maliliit ang nalalambat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Nagkukumpetensiya pa sila ng mga pulis sa drug bust at sila-sila ang nagbabarilan. Dahil sa kanilang pag-aagawan, pinagtatawanan sila ng sindikato ng droga.

Nasaan na ang mga pinangalanang big time drug lord ni President Duterte noong 2016? Marami siyang nasa listahan at ang iba pa ay mga pulitiko. Binantaan niya ang mga ito. Ngayon ay wala nang naririnig sa mga bigating drug lord.

Maraming napatay sa unang sigwada ng pakikipaglaban sa ilegal na droga. Maraming na-tokhang. Maraming bumulagta sapagkat nanlaban umano sa mga pulis. Ang masaklap nga lamang, mga “mali­liit na isda” ang nalambat at walang “malalaking isda”. Nagpapatuloy ang “malalaking isda” at walang nakaaalam kung hanggang kailan ang kanilang malayang paglangoy sa maburak na kara­gatan.

Magreretiro na si Duterte. Masaklap na wala siyang naipanalo laban sa pakikibaka sa ilegal na droga. Maraming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil sa droga.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with