_pang-masa
^

Kakaibiang Eba (100)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - June 12, 2021 - 12:00am

NAGPAALAM na si Manong Berto kay Piolo at sa mama nito.

‘‘Aalis na ako Piolo, Mam.’’

‘‘Huwag muna, Manong Berto. May mahalaga kaming sasabihin ni Mama sa’yo. Halika maupo ka muna Manong. At huwag mo sana kaming tatanggihan ni Mama sa iaalok sa’yo.’’

Naupo si Manong Berto. Nasa mukha nito ang pagtataka.

“Ano yun Piolo?’’

“Napagpasyahan namin ni Mama na kunin ka naming­ driver at guard na rin. ‘Di ba retired ka na sa security. Gusto ko mayroon kaming kasama rito sa bahay. Dadalawa na kami rito sa bahay ni Mama at kung minsan ay nag-iisa siya kapag nasa out of town ako. Baka gusto mo magsilbi sa amin. Sabihin mo kung magkano ang gusto mong suweldo. Ibibigay ko sa’yo bukod pa ang Christmas bonus at siyempre 13th month pay.’’

Hindi makapagsalita si Ma­nong Berto. Masaya ang mukha. Kumislap ang mga mata.

“Naku gustung-gusto ko, Piolo. Gusto kong magtrabaho sa inyong mag-ina. Kaya lamang may hihilingin ako sa inyo.’’

“Sabihin mo at hindi ka mabibigo. Sa dami nang tinulong mo sa amin, hindi ka mapapahiya. Ano yun Manong Berto ?’’

‘‘Gusto ko sana, kunin n’yo na rin ang misis ko. Gusto ko magkasama kami rito. Ma­husay siyang magluto, maglaba, maglinis ng bahay at mahusay makipagkuwentuhan, he-he-he!’’

“Aba e ‘yan nga ang plano ni Mama! ‘Di ba Mama? Sabi mo silang mag-asawa ang kukunin natin ?’’

‘‘Oo. Ako ang may plano n’yan. Isama mo rito ang asawa mo Berto. Gusto ko masaya tayo rito.’’

“Salamat po Mam, Piolo. Sige po aalis na ako at bukas e darating kami rito.’’

“Sige, Berto.’’

Umalis na si Berto na masayang-masaya.

‘‘Panatag na ang loob ko ‘Ma. Wala nang problema. Balik na sa normal ang ating buhay.’’

‘‘Oo nga, Piolo.’’

‘‘Magiging masaya na uli tayo.’’

“Bakit hindi mo hanapin si Mariz? Pala­gay ko dapat mo na siyang makita, Piolo.’’

Hindi makapagsalita si Piolo. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with