^

Punto Mo

Ginang sa South Africa, nagsilang ng 10 supling!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 37-anyos na ginang mula sa Tembisa Township Ekurhuleni, South Africa ang nagsilang ng 10 sanggol o decuplets!

Ang ginang ay si Go-siame Thamara Sithole. Ayon kay Sithole, noong nagsimula siyang magdalantao, ang buong akala ng mga doktor ay anim ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan, pero kalaunan, natuklasan sa ultrasound na walo pala ang ipinagbubuntis niya.

Pero nang manganak si Sithole sa Pretoria Hospital, ganun na lamang ang pagkagulat ng kanyang doktor sapagkat 10 ang iniluwal niya – pitong lalaki at tatlong babae.

Ayon sa eksperto na si Dini Mawela ng Sefako Makgatho Health Sciences University, kakaiba at pambihirang pangyayari ito lalo na sa tulad ni Sithole na hindi gumamit ng kahit anong fertility treatment.

Sa kasalukuyan, kaila-ngang manatili sa incubator ang 10 sanggol dahil pitong buwan lamang silang ipinagbuntis ng kanilang ina.

Pinaniniwalaan na hawak na ni Sithole ang Guinness World Record sa kategoryang “Most children delivered at a single birth” ngunit hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang mga opisyal ng Guinness ukol dito.

vuukle comment

SOUTH AFRICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with