^

Punto Mo

Talent agency sa Japan, nagpaparenta ng mga matatabang tao!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

USAP-USAPAN ngayon ng Japanese netizens ang bagong serbisyo ng isang talent agency doon na pagpaparenta sa mga kompanya o indibidwal ng matabang tao sa halagang 2,000 yen per hour!

Hindi na bago sa Japan ang pagrenta ng tao.

Dekada nobenta pa lamang ay nauso na roon ang tinatawag na rent-a-family service kung saan puwedeng magrenta ang isang indibidwal ng mga tao na puwedeng magpanggap na kanyang kapamilya sa loob ng ilang oras para isama sa party o pamamasyal.

Bukod dito, meron ding mga serbisyo na rent-a-friend at rent-a-girlfriend.

Ngayong 2021, isang ta-lent agency na nagngangalang Debucari ang nag-aalok ng pinakabagong rent service, ang rent-a-fat-person, kung saan puwedeng magrenta ng matabang tao.

Naisipan ng founder ng Debucari na si Mr. Bliss na magbigay ng ganitong serbisyo dahil napansin niya na bihira sa Japan ang matatabang tao na may timbang na 100 kilos pataas.

Nalaman niya ang kakula-ngan sa matatabang tao sa Japan noong nagbukas siya ng isang clothing company na nagtitinda ng plus size na mga damit.

Nahirapan siya noon na maghanap ng mga matatabang modelo na kayang isuot ang kanyang mga disenyo. Dahil dito, itinayo niya ang Debucari, isang talent agency na puro matataba ang mga modelo.

Ayon sa website ng kompanya, ang ilan sa mga unang customer nila na sumubok sa rent-a-fat-person service ay mga may-ari ng mga restaurant.

Nagrenta sila ng mga modelo para magpanggap na mga suking customers nila. Bukod dito, puwede rin ang serbisyong ito sa mga malulungkot na indibid­wal na gusto ng malapad na kaibigan.

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with