_pang-masa
^

Sino ang magmamana kapag walang asawa at mga anak?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - June 8, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Namayapa po ang tiyahin ko ng walang naging asawa at mga anak. Ngayon po ay iniisip namin kung sino ang magmamana sa mga naiwan niyang properties. May inampon po kasi siyang pamangkin niya ngunit hindi po legal ang naging adoption. Kung wala po siyang asawa at anak, sino po ang puwedeng magmana ng mga naiwan niyang ari-arian? —Mae

Dear Mae,

Sa ilalim ng batas, ang asawa at ang mga anak ng namayapa lamang ang maghahati-hati sa naiwang ari-arian ng namayapa lalo na kung wala siyang iniwang last will and testament.

Ngayon, kung ang namayapa ay walang asawa, walang descendants (anak, anak sa labas, apo, apo sa tuhod, atbp.) at descendants (magulang, lolo’t lola, lolo’t lola sa tuhod, atbp.), ang magmamana ng kanyang mga naiwang ari-arian ay ang mga tinatawag na collateral relatives (Article 1003, Civil Code).

Kabilang sa mga tinatawag na collateral relatives ang mga kapatid ng namapaya at ang kanyang mga pamangkin.

Ayon sa iyo ay may inampon ang iyong tiyahin ngunit hindi naman ito legal adoption. Kung totoo ngang hindi legal adoption sa ginawa niyang pag-aampon, ang mga nabubuhay pang kapatid ng namapaya mong tiyahin at ang mga pamangkin niya ang maghahati-hati sa naiwan niyang property. Ito ay kung wala siyang naiwang last will  and testament.

Kung may kasulatan kasing naiwan ang iyong tiyahin, kailangang dumaan sa korte at i-presenta ang last will bago maipasa sa mga pinamanahan ang mga naiwang properties.

 

PROPERTIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with