^

Punto Mo

Chicken nugget ng sikat na fastfood chain, naibenta ng $100,000 dahil sa kakaibang hugis!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG piraso ng chicken nugget na nabili mula sa isang fastfood chain ang naibenta sa online auction site na eBay sa halagang $100,000 dahil kahugis nito ang mga karakter sa sikat na video game na Among Us!

Ang kakaibang chicken nugget ay ipinasubasta sa eBay ng isang seller na may username na “polizna’’.

Ang starting bid ng chicken nugget ay nagsimula sa 99 cents.

Ayon sa description ng listing nito sa eBay, tinawag itong ‘‘Among Us shaped nugget’’.

Ayon pa sa listing, nanggaling ang chicken nugget sa isang combo meal na inspired sa Kpop boyband na BTS.

Ipinangako ng seller na kung sino man ang mananalo sa bidding, matatanggap nito ang chicken nugget sa magandang kondisyon.

Ang eBay listing na ito ay napansin ng official Among Us twitter account at ipinost  pa nito ang link ng auction kaya lalong dumami ang gustong mag-bid sa piraso ng chicken nugget.

Dumagsa ang maraming eBays user na sumubok ma­kipag-bidding sa kakaibang chicken nugget, at matapos ang 184 bids, nabili ito sa halagang $99,997.

vuukle comment

FOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with