^

Punto Mo

Libreng tirahan at pagkain, maari bang isama sa komputasyon ng minimum wage?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Dahil po sa pagkalugi diumano na dulot ng pandemya ay nabawasan po ang natatanggap naming sahod ngayon at mas mababa na po ito sa minimum wage. Nang magtanong po kami sa management ng kompanya ukol dito ay nagsabi lang sila na pansamantala lang naman daw ang sitwasyon namin ngayon. Idinahilan din nila ang libreng tirahan at pagkain na ibinibigay po ng kompanya. Kung kukuwentahin daw kasi ang halaga ng mga ito ay mas mataas pa sa minimum wage ang natatanggap naming sahod mula sa kompanya. Tama po ba ang sinasabi nila? —Andy

Dear Andy,

Maari namang isama sa komputasyon ng natatanggap na sahod ang mga ibinibigay ng employer para sa mga pang-araw-araw na kailangan ng mga empleyado katulad ng pagkain at tirahan basta nakaayon ito sa mga requirements na itinakda ng Korte Suprema sa SSL International Cables Specialist v. NLRC (G.R.  No. 172161, 2 March 2011).

Ayon sa Korte Suprema, upang mapabilang sa sahod ng empleyado, ang ibinibigay na allowance ay karaniwan na sa industriyang kinabibilangan ng employer. Pangalawa, boluntaryo at nakasulat dapat ang naging pagtanggap nito ng mga empleyado. Pangatlo, rasonable at makatuwiran dapat ang pagkuwenta sa halaga ng mga allowance na ibinigay.

Sa sitwasyon mo, dapat maipakita ng inyong kompanya na bahagi talaga ng kanilang policy ang pagbibigay ng matutuluyan at pagkain sa inyo; na nakapagbigay kayo ng written authorization sa pagtanggap ng mga ito; at malinaw kung paano ang kanilang naging komputasyon sa halaga ng mga nasabing benepisyo.

Kapag hindi nila naipakita ang tatlong requirements na nabanggit ay hindi nila maaring sabihin na dapat ay kasama ito sa komputasyon ng inyong sahod. Kaya kung mas mababa na sa minimum wage ang kasalukuyan n’yong natatanggap, dapat magreklamo na kayo sa National Labor Relations Commission (NLRC).

 

vuukle comment

SALARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with