_pang-masa
^

Punto Mo

Mag-asawa sa Taiwan, 4 na beses nagpakasal sa loob ng 37 araw para makarami ng bakasyon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG mag-asawa sa Taiwan ang nakaisip ng loophole sa batas ng nasabing bansa upang makakuha ng dagdag na araw ng bakasyon.

Hindi na binanggit sa mga pahayagan ang pagkakakilanlan ng dalawa, na napabalitang nag-divorce ng tatlong beses at nagpakasal ng apat sa loob lamang ng 37 araw upang madagdagan ang walong araw na bakasyong ibinibigay ng batas para sa mga empleyadong bagong kasal.

Dahil apat na beses nagpakasal, may 32 araw na bakasyon tuloy ang dalawa.

Noong una, kinampihan ng Taipei city labor department ang mag-asawa nang hindi sila pinayagan ng kanilang employer sa napakatagal na bakasyon ngunit sa huli ay binawi rin nito ang multa sa kompanya.

Pinag-aaralan na ngayon ng mga kinauukulan saTaiwan kung paano aayusin ang nadiskubreng loophole upang hindi na ito samantalahin ulit.

 

TAIWAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with