_pang-masa
^

Anak sa labas, maari bang magmana?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - June 3, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Namayapa na po ang aking ama at anak po niya ako sa pagkabinata. Naikasal po siya sa iba matapos akong ipanganak. Ngayon po ay sinasabihan ako ng mga naging anak niya sa kanyang naging pamilya na hindi raw ako maaring magmana sa mga naiwang ari-arian ng aking ama dahil anak daw ako sa labas. Tama po ba sila? —Enna

Dear Enna,

Maling sabihin na walang karapatang magmana ang isang anak sa labas o illegitimate child. Basta kinilala ang isang anak ng kanyang magulang, may karapatan siyang magmana mula rito, ikinasal man ang kanyang mga magulang o hindi.

Malinaw ang nakasaad sa Article 176 ng Family Code na may karapatang tumanggap ng legitime o mana ang isang illegitimate children na katumbas ng kalahati ng bahaging matatanggap ng isang legitimate child.

Siguraduhin mo lang na may pruweba ka na kinikilala kang anak ng iyong ama kahit pa ikaw ay isang illegitimate child o anak sa labas.

Maari itong patunayan sa pamamagitan ng iyong birth certificate kung nakasaad doon na kinikilala kang anak ng iyong ama, mga public documents kung saan nakasaad ang relasyon n’yong dalawa katulad ng Affidavit of Acknowledgment o Admission of Paternity, at mga pribadong dokumento na nasa sulat-kamay mismo ng magulang kung saan kinikilala niya ang kanyang anak.

CHILD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with