^

Punto Mo

Robot sa Spain, ginawa para sa pagluluto ng paella

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kompanya sa Spain ang nakapag-develop ng robot na marunong magluto ng kanilang pambansang putahe – ang paella.

Gawa ng kompanyang BR5, ang robot ay sanay sa pag­luluto ng paella.

Binubuo ang robot ng stove at ng isang mechanical na braso na mag-gigisa at maghahalo ng mga sangkap.

Bagama’t kailangan pa rin ng tulong ng robot dahil dapat munang ilagay sa isang kaldero ang lahat ng sangkap, mag-isa naman nitong hahaluin at lulutuin ang isang serving ng paella.

Bilib ang paella chef na si Maria Munoz sa lasa ng paella na luto ng robot.

Mahirap daw kasing makuha ang tamang timpla ng paella kaya magiging malaking tulong daw ang robot sa mga restaurant para makapagsilbi sa mas maraming customers.

SPAIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with