_pang-masa
^

May nakukulong ba sa hindi pagbabayad ng renta?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - May 30, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Magtatatlong buwan na po akong hindi nakakabayad ng renta. Maari ba akong ipakulong ng aking landlady?— Marc

Dear Marc,

Depende sa kung ano ang ihahabla laban sa iyo ng iyong landlady. Kung ejection ang kanyang isasampang kaso at sakaling siya ay katigan ng korte, ikaw ay paalisin sa iyong nirerentahang property.

Maaari ring sampahan ka lang ng simpleng money claim kung saan pagbabayarin ka ng mga upang hindi mo pa nababayaran. Civil cases ang mga yan kaya walang parusang kulong sa ganyang mga klase ng kaso.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ligtas sa kulong ang isang nangungupahang hindi makabayad.

Uso kasi ngayon na ang mga bagong mangungupahan ay hinihingan ng landlord ng postdated checks para sa bawat buwan na mananatili sila sa property na uupahan nila.

Sa ganyang sitwasyon, maaring masampahan ng BP 22 o estafa ang isang nangungupahan kung hindi mapondohan at tumalbog ang mga tsekeng nauna na niyang naisyu.

Kriminal na kaso ang BP 22 at estafa kaya maaring humantong ang mga ito sa parusang pagkakabilanggo sakaling mapatunayang may sala ang akusado.

RENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with