_pang-masa
^

Kailangan bang magsampa ng reklamo para maging regular na empleyado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - May 25, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Maari ko po bang sampahan ng reklamo ang aking employer kung hindi pa rin nila ako binibigyan at pinapapirma ng contract of regularization? Higit isang taon na po ako sa kasalukuyan kong employer. —Jon

Dear Jon,

Kung higit isang taon ka na sa iyong kasalukuyang employer, at ang ginagawa mong trabaho ay masasabing “usually necessary and desirable in the usual course of trade and business”, masasabing isa ka nang regular na emple­yado sa ilalim ng batas, pumirma ka man ng kontrata o hindi.

Ang isang trabaho ay “usually necessary and desirable in the usual course of trade and business” kapag ito ay may koneksiyon sa negosyo o gawain ng employer at ang nasabing trabaho ay karaniwang kailangan at kanais-nais para sa nasabing negosyo o gawain.

Kung pasok sa nabanggit ang ginagawa mong trabaho, isa ka nang regular employee dahil ayon sa iyo ay higit isang  taon ka na naman diyan sa kasalukuyan mong employer.

Bilang isang regular na empleyado, hindi ka na maaring alisin ng basta-basta ng walang dahilan kahit pa hindi ka pa pumipirma ng anumang kontrata ukol sa iyong regularization.

Para naman sa iyong tanong ukol sa pagsasampa ng reklamo, hindi ko nakikita ang pangangailangan nito lalo na kung wala namang banta ng pagtanggal sa iyo at kung tama naman ang pasuweldo at benepisyong ibinibigay sa iyo ng iyong employer.

EMPLOYEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with